top of page

Magkano Nga ba Ang Pangarap?

  • Guest Writer
  • 16 hours ago
  • 2 min read

Magkano nga ba ang pangarap?


No one really tells you how expensive it is — not until you start chasing it.

Akala ko dati, kapag nakapagtapos ka na, smooth sailing na. Akala ko trabaho nalang ang kulang. Pero nung tumuntong na ako sa totoong buhay, doon ko lang naintindihan: hindi pala libre ang mangarap.


For months after graduation, araw-araw akong bumubuhos ng resumes.LinkedIn, JobStreet, kung saan-saan.May mga araw na wala kahit isang reply.May mga interview na parang okay na — pero hindi tumawag ulit.Sa dami ng “We’ll get back to you,” parang gusto mo na ring bumalik sa pagkabata, kasi doon, libre lang lahat ng pangarap mo.


Pero ayun, isang araw, tumawag sila.

Natanggap ako.₱18,000 a month.

No experience required, pero parang may kapalit lahat.


ree

Kasi bago pa ako makasweldo, gumastos na ako.

Pamasahe — ₱180 per day. ₱900 a week.

Lunch — kahit tipid meal, ₱100 a day.

Pants, polo, shoes — ₱3,500 lahat.

Load, kape, vitamins, little things you need to stay functional — another ₱1,000 a month.

Tapos renta pa, ₱4,500.


Minsan napapaisip ako habang nakasakay sa jeep pauwi, ‘Ito na ba yun? Ito na ba yung simula ng pangarap?’ Pero bakit parang ang mahal?


Na-realize ko, chasing your dream isn’t just about working hard.

It’s about paying...every single day.


You pay in hours, in effort, in energy. You pay with your sanity sometimes. With your pride, kapag kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng gusto mo agad mapapasayo. And even when you start earning, you’ll realize na hindi pa rin sapat. Kasi gusto mo ring tulungan ‘yung pamilya mo. Gusto mo ring mag-ipon, mag-travel, magbakasyon kahit isang beses lang sa taon. Pero paano, kung kalahati ng sahod mo napupunta lang sa pamasahe at renta?


Sabi nila, “Follow your dreams.” Pero wala silang sinabi tungkol sa downpayment.


Walang nagsabi kung magkano ang gastos sa pag-abot ng una mong pangarap. Walang nagbanggit kung ilang gabi kang mapapaisip kung tama ba ‘tong pinasok mo. O kung ilang beses mong ipipilit sa sarili mo na, “Kaya pa.”


Pero eto ako ngayon, pagod. Hindi pa man ganap ang pangarap, pero unti-unti na siyang binabayaran.


Ngayon naiintindihan ko na, lahat pala may presyo. Kasama na pati ‘yung sarili mong paniniwala sa kaya mo.


And maybe that’s the point. You don’t just reach your dreams —you pay for them, piece by piece, until one day you wake up and realize…paid in full na pala.


People walking on a train platform with a blue train. A guard stands at the gate. Daytime, casual mood, some blurred motion.

“Magkano ang pangarap?” Hindi ko pa alam. Pero habang tumatakbo ‘yung oras ko sa MRT, habang nagbubuhos ng ulan at nagbibilang ako ng barya, alam kong binabayaran ko na siya — araw-araw.

Comments


© 2025 by Stories We Keep PH. All Rights Reserved.

bottom of page